LIWANAG SA DILIM ni Jade Karen C. Cariaga Ako'y narito ngayon sa dilim, Nanlalamig kahit 'di naman makulimlim. Ako'y nakaupo sa isang sulok, Na animo'y sa kulungkutan, ako'y nasa kanyang rurok. Para bang ako'y isang agila, Na 'di makalabas sa kanyang hawla, Gusto ko mang makalaya na, Ngunit ang daana'y 'di ko makita. Napaka-dilim ng paligid ko, Kalungkutan, galit, at panghihina ang bumabalot sa puso ko. Ako'y naligaw na nga, Gusto ko nang umuwi ngunit tila wala na yatang pag-asa. Malapit ko nang tanggapin, Na ako'y manantili na lang talaga sa dilim, Ngunit, sa muling pagmulat ng aking mga mata, Aking nasilayan itong dalawang kandila, Kasama ang isang sulatin, Sulating hindi ko inakalang makapagpapabago sakin. Kandila na siyang nagbigay-liwanag sa aking daan, Upang masilayan ang pintuan, Pintuan na magbibigay sa akin ng kaginhawaan. Ang mga kandila na ito ang aking nagsilbing gabay upang aking marating ang inaasam kong liwanag at kala...
Posts
Showing posts from October, 2021