LIWANAG SA DILIM
ni Jade Karen C. Cariaga

Ako'y narito ngayon sa dilim, 

Nanlalamig kahit 'di naman makulimlim.

Ako'y nakaupo sa isang sulok, 

Na animo'y sa kulungkutan, ako'y nasa kanyang rurok. 


Para bang ako'y isang agila,

Na 'di makalabas sa kanyang hawla, 

Gusto ko mang makalaya na, 
 
Ngunit ang daana'y 'di ko makita. 


Napaka-dilim ng paligid ko,

Kalungkutan, galit, at panghihina ang bumabalot sa puso ko.

Ako'y naligaw na nga,

Gusto ko nang umuwi ngunit tila wala na yatang pag-asa.


Malapit ko nang tanggapin,

Na ako'y manantili na lang talaga sa dilim,

Ngunit, sa muling pagmulat ng aking mga mata,

Aking nasilayan itong dalawang kandila, 

Kasama ang isang sulatin,

Sulating hindi ko inakalang makapagpapabago sakin.


Kandila na siyang nagbigay-liwanag sa aking daan,

Upang masilayan ang pintuan,

Pintuan na magbibigay sa akin ng kaginhawaan.


Ang mga kandila na ito ang aking nagsilbing gabay upang aking marating ang inaasam kong liwanag at kalayaan, 

At nagturo sa akin upang ang daan, Ang katotohanan, At ang buhay ay aking makilala't matagpuan.


Ako, kasama ng mga kapatid ko'y lubos na nagpapasalat sa dalawang kandila na ito...

Salamat po Pastor at Pastora,

Sapagka't sa kabila ng aming pagka-wala,

Kami kay Kristo ay inyong ipinakilala.


Kami'y inyong binigyang liwanag upang kami'y makawala mula sa dilim.

Mula sa dilim na wala namang maidudulot sa amin.

Tumuyot man o bumagyo,

Wala kayong ibang hinangad kundi kami'y makalaya't lumago.


Taos puso ninyong isinisiwalat,

Ang mga bagay na makapagbibigay sa amin ng buhay na mula sa banal na aklat. 


On behlaf of PFWBC Villa Cayaban, kami po'y lubos na nagpapasalat sa inyong kabutihan, Pastor and Pastora. Happy Pastor's Day po!

Comments